We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.

PANANABIK - H20 Klann x Prophecee

by h20 klann,propheceeDJ Medmessiah

/
  • Streaming + Download

    Includes unlimited streaming via the free Bandcamp app, plus high-quality download in MP3, FLAC and more.
    Purchasable with gift card

      $8 USD  or more

     

about

This track is prefect for getting inspiration to execute self improvement!

lyrics

Pananabik - Lyrics

Chorus

Bawat laban nakakasabik,
Utak, dibdib ang palaging bitbit.
Hindi lang palakasan ng pananamit
O baka kainin ka ng pananabik!

Verse 1
Bawat senaryo tila laging madahas,
Ibang istilo, ang laging nilalabas.
Upang lumamon ng utak na marahas,
Mapamintas na mata, malaya Kang lumabas.
Etong laro hindi para sa lahat, kitil ang mapangahas, sagad kong ibibigkas malabong mapaatras.
Dikalidad na antas sa musika nag sagad,
Hinding Hindi ka mabibitin neto.
Walang hangganan, sumuko di kaylangan.
Parehas kung lumaban, kung batayan ay pasiklaban.
Hukbo na makabayan, sa tunog na maka luma.
Kung hindi maunawaan, Bumangon sa kalagayan.

Lumalapit, sinisipat, bawat tinig lumalapat,
Humahagod, tumatapang, tumitibay bawat salang!

Chorus
Bawat laban nakakasabik,
Utak, dibdib ang palaging bitbit.
Hindi lang palakasan ng pananamit
O baka kainin ka ng pananabik!

Verse 2
Buhat ng malamang, kulang pa sa yabang.
Humiram ng angas, sa musikang nakasalang.
Dun na ginanahang, mang gulat ng kalaban.
Tinulak sa hangganan, ang utak at katawan.
Respeto ang tropeyo sa gantong patimpalak.
Di kailangan ng ginto para masabing mabigat.
Pagkamalikhain isagad, pag may naka hain sumunggab.
Di na baleng masabihang mahangin basta laging tumatatak.
Di na bale na palaging natatalo, di ko na hangad ang kampyonato.
Para sakin ay, meron nang nag aantay, na kasagutan sa mga plano.
Di mauubusan ng bago, aking ibubuhos ng todo.
Di na bago para sakin ang mahulog, napaganda pa ang dulot, mga tama sa pagkabigo napulot.
Kaya pano mo nasabing sasabay, matatalo mo ako pero malabog mapatay.
Dugo't pawis ang alay sa pag panday, ibang lebel ang naabot malabo kang makapantay!

Chorus
Bawat laban nakakasabik,
Utak, dibdib ang palaging bitbit.
Hindi lang palakasan ng pananamit
O baka kainin ka ng pananabik!

Verse 3
Panibagong hamon nanaman ang papanisin,
Palaban lang na papalagan habang naka ngisi.
Walang pag sisisi, I gotta be insane,
Naka tutok parin sa mga tutuparin kaya hanggat gabi gising.
Ang tanong lang ay kung kaya mo na tiisin,
Sa takbo ng laro kung san talo mainipin.
Mata sa mata, ngipin sa ngipin,
Sakripisyo kapalit kasi wala nang libre.
Sarap din kahit pano na kabado,
Pagkat dun nasusukat pagka totoo ng tao.
Todo pag umahon, handang sumalungat sa agos,
Habang nagagawa ko to'y tinuturing kong regalo.
Sigaw hanggang mapaos, galaw hanggang mapagod,
Sinisiguradong sinusulit bawat galos.
Nag pipigil ng gigil, tamang oras kelan?
Baka eto na yon! Wala na'ko pakialam!

Lumalapit, sinisipat, bawat tinig lumalapat,
Humahagod, tumatapang, tumitibay bawat salang!

Chorus
Bawat laban nakakasabik,
Utak, dibdib ang palaging bitbit.
Hindi lang palakasan ng pananamit
O baka kainin ka ng pananabik!

credits

released January 22, 2024

license

all rights reserved

tags

about

DJ Medmessiah Philippines

Producer, DJ, Recording artist Emcee, Medmessiah has been in the music scene since the 90's hip-hop.

contact / help

Contact DJ Medmessiah

Streaming and
Download help

Report this track or account

If you like PANANABIK - H20 Klann x Prophecee, you may also like: